Kabataan Pag Asa Ng Bayan Essay Help

READ IN ENGLISH


“Nasaan na ang mga kabataang nagmamahal sa bayan?”

Nang marinig ko ang katanungang ito, may kung anong kumurot sa aking puso dahil alam kong may punto ito. Nasaan na nga ba ang mga kabataang Pinoy, pag-asa ng bayan, na tinutukoy ni Rizal? Nasaan na nga ba ang dapat sana’y umaakay sa mga nakakatanda at umaalalay sa mga nakakabata?

Napakarami nang mga kabataang Pinoy ang babad sa kaka-selfie para may mai-upload sa kani-kanilang mga social media accounts. Napakaramingkabataang pinoy ang imbes na mag-aral ng mabuti o di kaya’y gumawa ng isang bagay na mainam, ay nagpapaka-addict sa kung anu-anong mga computer games o ‘di kaya nama’y smartphone games. Napakaraming mga kabataang Pinoy ngayon ang mas pinipiling mag-bisyo kaysa matuto.

Ilan na nga bang kabataang Pinoy ang nakakaisip na pagbutihin ang pag-aaral para makagawa ng isang magandang bagay para sa ikakaganda ng buhay ng kanyang pamilya at bayan? Ilan na nga bang kabataang Pinoy ang nagbabasa ng ‘book’ para madagdagan ang kanyang kaalaman imbes na magpaka ‘famous’ sa ‘facebook’? Ilan na nga bang kabataang Pinoy ang nagiging magaling para mapagaling ang kapwa at hindi dahil gusto lang pumunta sa ibang bansa?

Sa mga kagaya kong kabataang Pinoy, ano nga ba ang halaga ng ating mga kabalbalang ginagawa? May mga natitira pa bang handang tumayo sa kinaruruonan at maging magandang halimbawa sa kapwa kabataan? May mga natitira pa bang handang maging ‘buhay na bayani’ sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging masunuring anak na may takot sa Diyos? May mga natitira pa bang hindi lang ang sarili ang iniisip kundi pati rin ang kapakanan ng mas nakakarami? May mga natitira pa bang hindi nasira ang buhay dahil sa bisyo – sigarilyo, alak, at druga? May natitira pa bang handang tumayo at maniwala na baling araw gaganda rin ang buhay sa Pilipinas, hindi dahil nagsi-puntang ibang bansa ang mga magagaling kundi dahil nagsi-tayuan ang mga kabataang Pinoy at nagsabing, “Tama na ang pananahimik, ang hindi pangingi-alam, ang pagsasawalang-bahala, at ang pagiging tanga”?

Naniniwala pa rin ako na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Pa-isa-isa man kaming natatauhan, pero pag lahat na tayo nagsama-sama at tayo mismo ang maging pagbabago na ating hinihiling sa ating bayan, pasa-saan ba’t magbabago nga ito.

Naniniwala pa rin ako na ang mga turo ng mga nakakatanda ang siyang gabay sa aming mga kabataan para maging mas maayos na henerasyon. Kaya sana, sa mga nakakatanda, tayo ay maging tamang ihemplo sa aming mga kabataan.

Sa mga nakakatanda, sana po maging tamang gabay kayo sa aming mga nakakabata para po matupad naming ang sabi ni Rizal na kami ang pag-asa ng bayan.

Sa mga kagaya kong kabataan, sana gawin natin lahat ng makakaya natin hindi lang para mag-enjoy kundi para maging halimbawa sa isa’t-isa. Sana tayo ay maging tunay ngang pag-asa at hindi dahlia ng pagdurusa at pagluluksa ng ating inang bayan.


Ngayong, nalalapit na eleksyon, ako po’y nananawagan sa lahat ng Pilipino na sana bago po natin sulatan an gating mga balota ay alalahanin natin an gating mga anak at magiging anak. Sana alalahanin natin kung ano bang kinabukasan ang gusto natin para sa kanila. Sana hindi tayo maging makasarili at isiping dibale’t pagdating ng panahon ay wala naman na tayo.

Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

Muli nating balikan ang isang tanyag na kasabihan, "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan". Ngunit,sa kasalukuyang panahon, ang kabataan pa rin ba ang sinasabing pag-asa ng bayan'?

Isang pagbati ng Mapagpalang araw salahat ng mga nakikinig!

Ayon kay Gat Jose Rizal, "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan", gasgas man sa ating pandinig, hindi pa rin ito maiaalis sa kaisipan at paniniwala ng bawat Pilipino. Ngunit, kung titingnan natin ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon, mga kabataang nasasadlak sa mga maling gawain, masasabi pa kaya natin na "Ang Kabataan ay ang pag-asa ng bayan?"

Napapabalitaan natin ang kaliwa't-kanang ilegal na gawain na kinasasangkutan ng mga kabataan; Pagtutulak ng droga, pandurugas, paggagahasa at marami pang iba, lahat ng iyon ay hindi nawawalan ng kabataang sangkot. Andyan din ang mga kabataang nakikitang nakatambay pa kahit dis-oras na ng gabi, mga kabataang parang nauubusan ng tela dahil sa iksi ng kanilang pananamit. Masasabi pa ba natin na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan?.

Kung ako ang tatanungin, isa ring kabataan na nabibilang sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin na ang "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan". Hindi natin maiiwasan na masadlak sa maling gawain ang mga kabataan, dahil may mga bagay sila na hinanap. Mga bagay na magpaparamdam sa kanila ng pagmamahal at pag-aaruga, at mga tao na handang dumamay.

Nang dahil din sa di matapos-tapos na kahirapan, mas pinipili pa rin ng mga ilang kabataan na gumawa ng kamalian para may maihain lamang sa hapagkainan at may panlaman tiyan. Ang mga kabataang nasasadlak sa masamang bisyo, ay hindi marapat na husgahan bagkus dapat natin silang bigyan ng pagkakataon upang magbago.

Kung tutuusin, halos lahat ng mga kabataang na sasadlak sa ganitong gawain ay may sariling dahilan at rason, kaya marapat lamang na bigyan nating sila ng pagkakataon at higit sa lahat ng pagkalinga!

Bigyan-pansin naman natin ang mga kabataang mas pinipiling magbanat ng buto kaysa sa maglaro at mag-aral. Mga kabataan na isinasakripisyo ang sarili nilang kaligayahan para lamang sa kanilang pamilya. Ang mga kabataang naulila napero patuloy pa ring nagsisikap at nagsisilbing padre de pamilya ng kanyang mga kapatid. Lahat sila ay isa nang magandang rason upang sabihin na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

Ang mga kabataang maagang naging ina o ama, pero mas pinili nilang maging responsable at hindi duwag sa pagharap ng kanilang kamalian. Mga kabataang, bagamat na sadlak sa masamang gawain, ay natutong ibangon ang kanilang sarili sa kasadlakang hinaharap. Mga kabataang minsang naging masama pero natutong iwasto ang pagkakamaling iyon. Lahat sila ay sapat nang rason na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.

Kung iisipin, lahat ng mga kabataang minsang nasadlak sa kahirapan, mga kabataang nakaranas ng matinding kahirapan, ay ang mga kabataan na nagiging mabuting inspirasyon sa lahat. Dahil, natuto silang magbago at umahon sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na kanilang napagdaanan.

At, para sa akin sapat na ang mga dahilang iyon upang patuloy pa nating paniwalaan na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Huwag natin husgahan ang mga kabataan sa kasalukuyan kung nakagagawa sila ng kamalian bagkus pagkalinga at pagmamahal ang dapat nating ihandog, at isa pang pagkakataon upang magbago at iwasto ang kanilang kamalian.

Tingnan din natin ang mga kabataan na sa murang edad ay natuto nang maghanapbuhay at tumayo bilang isang haligi ng tahanan. Mga kabataang marunong magsakripisyo at magtiis para sa kanilang pamilya. Ang mga kabataang iyon ay dapat hangaan at tularan ng sinuman.

Bilang isang kabataan, naninindigan ako na ang "Kabataan ay ang pag-asa ng bayan", dahil sa murang edad ay natuto na kaming matuto sa aming kamalian atito'yituwid, na sa murang edad natuto na kaming magsakripisyo at magtiis at sa murang edad natuto na kaming maging isang responsableng tao.

At, lahat ng iyon ay magiging susi namin upang maging isang inspirasyon sa lahat, at isang mahalagang karanasan upang patuloy kaming magsumikap at sumabay sa takbo ng buhay. Dahil, magmumula sa amin ang isang magiging mabuting mamamayan, manggagawa, mangangalakal at isang tapat na lider ng bansa na aming sinilangan!

******

Kasama na po ito sa website. Leave a comment and feedback. Don't forget to VOTE and FOLLOW!!!

Link.

https://stevencoral.wordpress.com

0 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *